AGAD na sumakit ang ulo ni Chryzelle nang si Calix kaagad ang mabungaran pagbaba niya mula sa kotse. Kahit nagkahiwalay na sila ng tirahan ng asawa ay hindi pa rin siya tuluyang makawala mula sa sakit na pinagdaanan na dulot nito, lalo na at paulit-ulit niya itong nakikita ngayon.

She must admit that there was that little part of her who wanted to hope, who wanted to cling on one last time to his promise of reconciliation, to his promise of a better marriage. Pero madalas ay inaalis niya ang katiting na pag-asang iyon sa kanyang puso. Pagod na pagod na ang puso niya na palaging dumaraing ng pahinga na hindi niya magawa-gawa dahil kahit sa bahay ng ate niya ay sinusundan pa rin siya ni Calix.

Ilang ulit nang pinayuhan si Chryzelle ng kapatid na magpakalayo-layo muna para magbakasyon pero ayaw niya. Natatakot siya na lalo lang makaramdam ng awa sa sarili kapag umalis nang mag-isa. Mas gusto niyang magtrabaho na lang para kahit paano ay may pinagkakaabalahan siya, hindi tulad ng pagbabakasyon na siguradong puro pag-iisip lang ang kanyang gagawin.

"Please, Calix," May bahid-pakiusap na wika ni Chryzelle. "Just go-"

Mabilis na inilapat ni Calix ang isang daliri nito sa kanyang mga labi para pahintuin siya sa pagtataboy rito.

"Gago ako. I was selfish. I didn't recognize your worth until you were gone. Pero maniwala ka sanang sa kabila ng kagaguhan at ng mga pagkukulang ko, mahal talaga kita, Chryzelle. I'm so sorry." Pinakatitigan siya ni Calix, na para bang nanghihingi ng pang-unawa ang mga mata. "When Clarence died, I... I didn't know what to do. Nagkasakit si Papa. Halos bumagsak ang kompanya. I was at a loss. All I knew then was the hunger to prove something to Dad, the hunger to feel my importance.

"No matter how I hated my dad for everything that happened between us, I was still scared... to be left alone. Siya na lang ang natitirang pamilya ko sa mundo. Ayokong bumigay siya. Kaya gumawa ako ng paraan. Nagsumikap ako para patunayan sa kanyang may pag-asa." Malakas na napabuga ng hangin si Calix. "I wanted to make him feel my presence."

"But I lost your presence in the process." Namasa ang mga mata ni Chryzelle. "Hindi ka naman nag-isa kahit nawala si Kuya Clarence, Calix. Nasa tabi mo ako."

"I know, baby. I know." Lumitaw ang pagsisisi sa mga mata ni Calix.

"Kinailangan din kita. Pero parati kang wala." Pumasok sa isip ni Chryzelle ang mga panahong nasa hardin siya sa kalagitnaan ng gabi at naghihintay sa pagdating ni Calix. She was anxious. She couldn't relax. Madalas ay out of coverage area ang cell phone ng asawa. Halos hindi siya makatulog, magmamadali siyang sisilip sa cell phone kada maririnig niya ang message alert tone para lang madismaya sa makikitang nag-iisang text message ni Calix na nagsasabing sa opisina na raw ito magpapalipas ng gabi dahil may proposal pa na pag-aaralan at report na paghahandaan para i-present sa board.

Maunawain si Chryzelle. Pero sa paglipas ng mga taon, unti-unting nasagad ang kanyang pasensya. Bumaba rin nang bumaba ang pagtingin niya sa sarili na nag-ugat sa kawalan ng oras sa kanya ng sariling asawa sa kabila ng pagsusumikap niyang abutin ito.

"Noong araw ng anniversary natin, maayos na ang lahat sa kompanya noon kaya handa na akong magbakasyon sana kasama ka." Bumuntong-hininga si Calix. "Wala na akong magagawa para sa nakaraan natin. But I can still change our future. Hayaan mo akong makabawi, Chryzelle. I didn't give up the past years, though I was tempted many times because your presence gave me hope. Kaya kung mawawala ka ngayon, para na rin akong bumalik sa dati, naliligaw na naman."

napapagod na ipinikit ng asawa ang mga mata, pagkatapos ay idinikit ang noo sa kanyang noo. "I'm so sorry for being an ass. Ipinapangako kong babawi

si Chryzelle sa kanyang tiyan, kasabay ng

lang ang dala mo para sa akin at hindi ang annulment papers, makakaalis ka na." matigas na wika niya bago ito nilampasan.

bawat haligi ng dingding ay may mga nakasabit na litrato nila ni Calix noong boyfriend niya pa lang. At sa sentro ng shop ay may malaking flat screen kung saan kasalukuyang ipinapalabas ang video coverage ng pagpapalitan nila ng pangako ni

sa ere ang mahinang tugtugin na nagsisilbing background sa paligid. Iyon ang

lawfully wedded wife, to be together in happiness and struggle, to have and to hold even if your mood gets worse." Buong pagmamahal na ngumiti si Calix sa bride na naluluha na nang mga sandaling

mga magulang mo. Bubuo tayo ng isang palasyo kung saan ikaw ang magiging reyna. But I won't give you a happily ever after because our love was genuine, Chryzelle. It wasn't a fairytale. What I can give you is a kind of relationship with flaws... but with love." Isinuot ni Calix ang singsing sa daliri ni Chryzelle pagkatapos ay matamis na ngumiti. "I love you.

ang mga luha ni Chryzelle. Pakiramdam niya ay umakyat sa kanyang tuktok ang lahat ng emosyon niya. Pinag-aalis niya ang mga nakasabit na litrato sa dingding, pagkatapos ay hinagis ang mga iyon. Mabilis din niyang ini-off ang telebisyon. Tatakbo na sana siya para magtago na lang sa kanyang opisina nang maagap

hindi mo nagustuhan ang ginawa ko," mahinahong wika nito. "I just want to remind you of our happy days. And maybe you

all the negative

sa mga mata ni Calix. Bumuka ang bibig nito, pero walang salitang lumabas mula roon. Binalewala na iyon ni Chryzelle. Inalis niya ang kamay ng asawa sa kanyang braso. Nang makaabot na sa tapat ng pinto ay nanginginig na pipihitin niya na sana ang doorknob nang muli ay may kamay na pumigil sa kanyang braso. Sa pagharap niya ay ang mga labi na ni Calix ang sumalubong sa

halik ng asawa. Mapagparusa iyon pero maalab na hindi nagtagal ay unti-unti ring naging masuyo... na para bang humihiling ng pagtugon. But Chryzelle kept her lips tightly

Ibinalik siya ng halik sa mga masasayang sandali nila ni Calix noong magkasintahan pa lang sila. Ibinalik siya ng pinagsasaluhan nilang halik sa simbahan sa Cavite kung saan sila unang nagkakilala. Bisperas ng Pasko noon nang mapadpad doon ang lalaki nang bisitahin ang yumaong ina nito sa sementeryo na hindi kalayuan sa simbahan na palaging pinupuntahan ni Chryzelle. Nagkataong nagkatabi sila sa pag-upo. Masama man ay hindi na siya nakapagbigay ng lubos na atensyon sa pagsisimba, pati na sa

man she knew she had laid her eyes on. Mapanukso kung makatingin ang mga mata nito noon

sa inilapit na ni Calix ang sarili nito sa kanya ilang araw bago sumapit ang Bagong Taon. Pormal itong nagpakilala sa kanya. And that was the start of their happy days. Sa simbahan umamin si Calix ng nararamdaman sa kanya pagkatapos ng

si Calix. He was her first crush, her first boyfriend, and her first

humiwalay na ang lalaki sa kanya, dahilan

kamay ng asawa mula sa kanyang balikat pababa sa kanyang balakang. "Masyadong matalas ang dila mo. At mahina ang tolerance ko roon. Baka mapikon ako. At kapag

ni Chryzelle ang hininga nang iwan siya ni Calix. Damn you, Calix! How can you still make me

This is exclusive content from Dramanovels.com. Please visit Dramanovels.com to support the author and the translation team!

Comments ()

0/255