“WHAT’S the matter?”

Nag-aalalang inalalayan si Clarice ni Alano. Napatitig siya sa katabing binata na para bang hindi malaman kung ano ang gagawin. Muling nangilid ang mga luha niya. How could life be so cruel to both of them?

Sa nanlalabong paningin dala ng pagluha ay ibinalik ni Clarice ang pansin kay Benedict. Bumalik na sa pagkain nito ang matanda. Hawak ng nanginginig na mga kamay nito ang isang sandwich. Bahagyang kumalat sa mga labi ng matanda ang palaman ng kinakain pero wala itong pakialam. Ang blangkong mga mata nito ay nanatili sa pagtanaw sa swimming pool. The old man looked so lost. His expression was exactly how she felt at that moment.

How can I fight someone like that?

Sumunod na tiningnan ni Clarice ang ina ni Alano. Nakatakip ang kamay sa bibig nito na para bang gulat na gulat habang ang mga mata ay puno ng recognition na nakatitig din sa kanya. Walang buhay na napangiti siya. Nagkita na sila minsan ng ginang sa eleksiyon, noong panahon na nangangampanya si Benedict. Natatandaan niyang umuwi ng bansa ang ginang pero hindi kasama ang tatlong anak nito. Siguro ay natakot itong malaman ng mga anak ang tungkol sa bulok na pagkatao ng asawa kaya ginusto nitong protektahan ang mga iyon at ilayo mismo kay Benedict.

“Clarice, ano ba’ng nangyayari?”

Hindi na nagsalita si Clarice. Tahimik na inalis niya ang mga braso ni Alano na nakasuporta sa kanyang baywang. Itinulak niya ito. Kahit nanghihina pa ang mga tuhod ay pinilit niyang tumayo. Dahan-dahan siyang naglakad palayo sa tatlo. Malapit na siya sa front door nang maramdaman ang pamilyar na kamay ni Alano na pumigil sa kanyang braso. Napahinto siya sa paglalakad. Hinila siya ng binata paharap dito.

Bakas ang pinaghalong pagtataka at pag-aalala sa anyo ni Alano. “Bakit ka nagkakaganito?” naguguluhang tanong nito. “Ano ba talaga ang nangyayari sa `yo? Make me understand, baby, please.”

“I just feel so tired,” mahinang sagot ni Clarice. Sa nakalipas na mga taon na halos hindi siya nagpahinga sa pagtatrabaho, ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng katulad ng matinding kapaguran na nadarama niya nang mga sandaling iyon. The sole purpose of avenging gave her strength. Hindi siya huminto hangga’t hindi niya nararating ang rurok ng tagumpay. Dahil gusto niya na sa muling paghaharap nila ni Benedict, may magagawa na siya hindi tulad noon. Pero wala nang silbi iyon ngayon. Ni hindi niya nga masumbatan ang matanda. Ang katotohanang iyon ang lalong nagpapahina at nagbibigay ng labis na kapaguran sa kanya. “Please just let me go. I want to be alone desperately.”

Inalis ni Clarice ang kamay ni Alano sa braso niya at muling lumapit sa pinto. Nang mabuksan iyon ay dere-deretso na siyang lumabas. A guard escorted her through the gate. Ito rin ang tumawag ng taxi para sa kanya. Nang sa wakas ay may huminto sa tapat nila ay nagmamadaling pumasok na siya roon. Nang makalayo na ang taxi ay saka niya hinayaan ang sariling humagulgol. Tinakpan niya ng mga kamay ang bibig at impit na napasigaw. She didn’t mind the driver who curiously eyed on her.

Her heart was too broken to care about anything or anyone at the moment.

“NASAAN ka?” naninikip ang dibdib na tanong ni Alano nang sa wakas ay sagutin ni Clarice ang tawag niya. Wala ang dalaga sa apartment nito nang puntahan niya may isang oras na ang nakararaan.

“I’ve been to a bar,” namamaos na sagot ni Clarice. “Bakit gano’n? Ang sabi nila, kapag naglasing ka, makakalimutan mo daw ang lahat ng problema mo. Pero hindi pa rin ako makalimot. Ni hindi ako malasing-lasing.” Natawa ito sa kabilang linya. “Does it mean that my problems are stronger than the alcohol?”

“Stop that.” Marahas na napabuga ng hangin si Alano. Sandali siyang tumigil sa pagmamaneho. “Sabihin mo sa ‘kin ang totoo,” nakikiusap nang sabi niya. “Nasaan ka? Pupuntahan kita. It’s not safe for you to be alone right now.”

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng tunog na para bang lagaslas ng tubig. Muli siyang inatake ng kaba. “Clarice, tell me the damn truth. Where the hell are you—”

“Does it matter where I am?” Humikbi ang dalaga. “I feel like dying right now.”

“Please don’t do anything crazy.” Alano breathed painfully. Muli niyang iminaniobra ang sasakyan habang hawak pa rin ang cell phone sa kabilang kamay. Malikot ang mga mata niya habang nagmamaneho, nagbabaka-sakaling makikita si Clarice. Dumiin ang pagkakahawak niya sa manibela nang marinig ang paghagulgol ng dalaga. “Clarice, mahal kita. Sabihin mo naman sa akin kung nasaan ka. Darating ako agad. Let me at least be with you, I’m begging you.”

Ilang minuto ang lumipas bago sa wakas ay sumagot ang dalaga.