Login via

Respectfully Yours novel Chapter 49

nikka

Hinayupak ka talaga!" Sigaw ko kay Lukas dahil hinagisan niya ako ng butiki habang nagbabasa ako ng ilang article sa philippine constitution. Sinamaan ko siya ng tingin. Sino ba kasi ang hindi maiinis ginawa niya? Ikaw na super duper focus sa pagbabasa tapos babatuhin ka bigla ng butiki.

Tawa pa ng tawa itong hinayupak na ito dahil napatalon pa ako sa kinauupuan ko. Nakakainis sarap isungal-ngal sa bibig niya yung libro kong ito, tignan ko lang kung makatawa ka pang bwisit ka.

Sasapakin ko sana pero, impit akong napatili nang maramdaman ko na hinapit niya ako palapit sa kanya at marahas na hinalikan sa labi. Maraming beses na niya ako nahalikan pero hindi ako maimmune sa epekto nito, ramdam na ramdam ko pa rin ang bolta-boltaheng kuryente na dumadaloy sa aking sistema.

"Bastos!" Sigaw ko.

"Gusto mo naman." Tila nagsiakyatan ang mga dugo ko sa mukha at naestatwa sa aking kinatarayuan. Tila may katotohanan ang sinabi niya. Nakakainis ganito na lang ang epekto niya sa akin, hindi ako maimmune.

Oo na sige na! Adik na sa halik niya. Putya!

Pero ayoko ng iparinig pa sa kanya iyon, magpapalakpakan na naman ang tainga niya at aangat ang ego niya to the highest level. Bagkus ay inirapan ko na lang siya at ibinalik ang focus sa libro.

Paglapat ko ng aking mga mata sa libro, laking gulat ko ng nakasarado na ito. Nag-angat ako ng tingin at isang ngising ngising Lukas ang nakita ko. Tss.. mukhang aso ang hinayupak na yan. Nakakapangigil siya, gusto kong lapirutin ang pagmumukha. Dahil sa kanya, hindi ko alam kung anong page na ako.

"Huwag mo nga ako pinagloloko Lukas Angelo, leche!" Singhal ko sa kanya habang hinahanap ko yung saang page na ko.Pero habang naghahanap ako ay bigla niyang inagaw sa akin yung libro. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon.

"Ay galit ang baby ko." Ani ni Lukas sabay pag pout ng labi niya. Mukha siyang ewan dahil sa pagpout niyang iyon, gusto kong matawa pero galit nga ako sa kanya diba?

Napailing na lang ako sa kanya at itinuon muli ang atensyon sa libro, medyo sumisimple din ako ng tingin sa kanya, napansin ko na biglang nalungkot yung mukha niya. Hay nako.

Itinupi ko yung libro at itinuon ko ang atensyon sa kanya.

"Ano ba kasi ang gusto mo." Pagkatapos kong magsalita ay nagpout muli yung mga labi niya. Nako!

"Kiss." Sabi niya at mas lalo niyang pinout ang kanyang mga labi. Hala saan ba natuto ng mga ganyan si Lukas. Susme!

"Punyemas." Napakunot yung ulo ko, sinasabi ko na nga ba e. Hay nako umiiral ang kamanyakan ng hinayupak na ito. Sa inis ko ay tinalikuran ko siya at itinuon ang sarili sa libro

"Gusto mo rin naman." Napahinto ako sa aking ginagawa sabay ang panlalaki ang aking mga mata. Tila naging estatwa na ako at ni wala ng boses na lumalabas sa bibig ko. Punyemas na lalaking ito, alam niya talaga kung paano ako barahin. Naku.. may araw ka din sa akin.

"Bastos!" Iyon na lang ang tangi kong nasabi sa kanya.

"Mahal mo naman." Ani niya sabay kindat sa akin, sabay labas niya sa kwarto ko.

Ako naman ay nanatiling naestatwa sa kinauupuan ko.

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours