Login via

Respectfully Yours novel Chapter 46

Anikka

Sabik na sabik ako habang gumagayak. Paanong hindi, my bestfriend is back! Nagbalik na muli si Eris. Matagal-tagal na kaming hindi nagkita since tumuntong kami ng college, dahil nakakuha siya ng scholarship noon sa isang fashion school sa New York. Matagal tagal na rin kaming walang communication, kay miss na miss ko na yung kaibigan ko na iyon. Sa kanilang tatlo ni Nicole at Yen, siya ang pinakabestfriend ko dahil na rin siya ang pinakamatagal kong nakasama.

I was first year highschool when I met her...

It was our first day of being a high school student. Maraming exited, halos lahat sila except for me. Ayaw ko pa kasi lumayas sa pagiging elementary student, kasi mostly when high school dapat ay dalaga na. Ayoko pa nun, gusto ko pang maglaro-laro diyan sa labas.Saka magiging classmate ko uli ang mga hukluban kong classmate noong elementary. One of the owner of this school ay si Lolo,

"Guys, you may introduce your----"

Napatigil magsalita yung teacher namin dahil may kumatok na estudyante sa labas.

"Ma'am sorry I'm late." Sabi ng hingal na hingal na babae na mula sa pagtakbo. Napatingin ako sa kanya, she's wearing a very thick glasses saka brace at gulo gulo ang buhok ng babae. Halatang nagmamadali, nagbulung-bulungan naman ang mga kaklase ko sa likod na siyang kinairita ko.

Pinapasok na siya nung teacher namin at pinaupo sa vacant seat sa tabi ko. Nginitian ko naman siya at ginantihan din niya ako ng isang ngiti, pero umiwas din siya sa akin, para bang nahihiya. Maya-maya ay nag-umpisa na ang introduce yourself. Ayaw na ayaw ko iyon, dahil payabangan na naman ang mga tao dito, kahit wala naman silang iyayabang.

"I'm Anikka Celyne Fuentes." Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa upuan ko, wala naman akong dapat sabihin pa. Introduce yourself lang naman diba, wala nang yung ano-anong chaka pa tulad ng ginagawa ng iba ko pang kaklase.

"Yun lang?" Sabi ng bruhildang feeling mayaman na nasa likuran ko. Tss.. Mas mayaman naman kami sa kanila

"Oo yun lang." Mataray kong sabi. Tss..hindi naman na kailangan na ipangalandakan ko pa sa kanila na ang lolo ko ang isa sa may ari ng school na ito.

Maya maya ay bumaling yung teacher

"What is your name hija."

"Erisha Magdayo. Eris for short" Sabi niya, agad naman akong nakarinig ng bulung-bulungan sa likuran ko.

"Yuck pangit naman ng name niya Erisha, yuck!"

"Oo nga, tapos madayo? Pang poor na apilyedo iyon diba?

"Pwede ba, magsitahimik kayo! Parang kaygaganda ng pangalan niyo ah. Constancia Valeriana? Victorina? Medussa?" Sabi ko, agad namang natahimik ang tatlo, yung makapagsalita ay para diyosa sa ganda yung pangalan nila, pang lola na nga ang mga pangalan nila, halos ka-level nila yung name ng lola ko ah, Consumicion. Saka mas maganda pa ang Erisha na name unique! Hindi pang matanda. Saka kung ano naman kung magdayo surname na sinsabi nilang pangpoor, ano naman? Kaysa naman pang-mayaman yung apelyido mo mahirap ka naman. Tulad ng mga bruhildang sa likuran ko. Binigyan ko sila ng matinding irap dahil sa sobrang irita ko sa kanila, subukan nila akong kalabanin, talsik sila sa school na ito. Tss..

Recess na namin noon nahuli akong lumabas dahil may inutos pa sa akin yung teacher namin na kulayan ko daw. Iba kasi pag may creative hands eh, ikaw pinagagawa ng project.Bwisit!

Pagpasok ko sa cafeteria ay agad kong narinig yung parang nahulog na mga plato, napatingin ako sa

Nakita ko yung mga walang modong nagtatawanan doon sa gilid. Nilapitan ko sila.

"Oh! The nerd is here."

Tumingin ako sa kanila, mga bwisit! Nakakairita ang mga pagmumukha!

"Hey." Paunang bati ko sa kanila.

"Makakaalis na kayo sa eskwelahan na ito." Diretso kong sabi.

"Ano naman yung sinsabi mo? Sino ka para paalisin kami?" Sabi nung isa at nakapamewang pa, tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Guard!" Sigaw ko na lang

"Hindi kailangan ng school na ito ng mga walang modong katulad niyo. Kaya kayo nag-aaral para matuto, hindi para hasain yang masamang pag-uugali niyo." Nakapamewang kong sabi.

"Hindi ako papayag. Hindi mo kami mapapaalis!" Bulyaw nung isa.

"Whatever! Sayonara!" Sabay talikod ko sa kanya.

"Kung sino man ang magtatakang mambully kay Erisha Magdayo, sisiguraduhin ko na mapapaalis sa eskwelahan na ito! Naintindihan niyo ba." Sigaw ko, alam naman na siguro nila, na kaya kong gawin iyon.Nilapitan ko siya at tinulungan na damputin yung mga pagkain niyang tinapon ng mga hukluban na iyon. Tss. sayang naman, hindi nila alam na kaydaming nagugutom sa Pilipinas kung makatapon ng pagkain ng may pagkain parang pinaghirapan nila iyon.

Kawawang nilalang, pinagtutulungan ng mga tatlong bruhilda na iyon. Anong laban niya sa mga pangit na iyon.

"Walang ng mambubully sayo ha, I promise." I said in a assuring tone

Simula noon ay naging magkaibigan na kami. Well siya lang ang naging kaibigan ko, dahil hindi siya tulad ng iba diyan ng puro yabang, puro satsat, wala namang binatbat. Siya simple lang, saka hindi ko inakala na matalino din pala siya kaya yun, naging sandigan din namin ang isa't isa, lalo na sa academics nagtutulungan kami.

Natauhan ako nang marinig ko na nagriring yung phone ko.

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours