Login via

Respectfully Yours novel Chapter 41

Anikka

"Napapadalas na yata yung pagcontact lens mo ha" Bungad sa akin ni Nicole, oo nasanay na rin ako na mag-suot nito, lalo na noong nasa resort kami ni Lukas.

kumbaga naging habit ko na, isusuot ko ito sa umaga at aalisin sa gabi.

Wearing contact lens it not that bad. Sa una lang talaga maskit.

"Blooming ka lagi."

"Porque naging kayo na ni Lukas, gumaganyan ka na girl hahaha." Nakitawa na lang ako sa kanila. Yes, they are right marami na nga ang nagbago sa akin. Napapansin ko na nga rin na nag-aayos na ako, ewan ko ba pero masyado na akomg nako-concious sa sarili ko. Gusto ko kasi maganda ako sa paningin niya. Ganoon naman diba, kapag gusto natin ang isang tao sadyang nagpapaganda tayo sa kanila para mapansin.

Tss. Nagiging abnormal na talaga ako. Kahit na normal lang ang kiligin maconsious, butterflies in the stomach na iyan ay abnormal pa rin sa akin. Because this is not the normal me, binago iyon ni Lukas.

Love conquers all nga, pati tao ay kayang baguhin.

Nakipagtawanan lang ako kila Nicole sa mga knock knock jokes nila. Hindi na kami bata para gawin iyon pero napagtripan nila.

Napatingin ako sa cellphone ko, tumatawag si Lukas.

"Labas tayo mamaya?"

"Ok, sige wait kita ha."

"I love you." Aniya, sasagutin ko ba? Kaso nahihiya ako dahil nandito sila Nicole, tapos parang naririnig nila yung usapan namin. Mga tsismosa talaga! Si Yen naman ay nakatingin sa akin, para bang dapat ay sagutin ko din siya, pero nahihiya ako. I'm not that expressive pag may kaharap akong ibang tao.

Inaabangan nila ang pagbuka ng bibig ko.

Huminga ako ng malalim..

"I love you too."

"Yown!" sabay sabay na sabi ng dalawang bruha.

Tila ba nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Ang sarap pala sa pakiramdam na nasasabi mo rin sa isang tao na mahal mo siya, sa harap nila. Sa una nakakahiya pero masaya rin palang ipakita sa iba na ang pagmamahal mo.

Agad ko ng pinatay yung phone dahil baka marinig pa ni Lukas kung paano kiligin ang mga lukaret na ito. Nakakahiya! Siguradong magpapalakpakan ang tainga nun kapag nalaman niya na kinikilig itong mga ito.

Lalabas na naman kami ni Lukas. Napapadalas na nga eh, di naman ako makatanggi, dahil gusto niya happy ako lagi.

Lagi kaming namamasyal sa mga amusement park at pilit sinasakay sa roller coaster, magpipicnic kami sa bundok at siyempre hindi makakalimutan ang kalinderya ni Manong, as usual ang dami niyang nakakain. Paborito na yata niya ang barbeque, dugo lalo na yung isaw. Pinipigilan ko na nga siya minsan pero ayaw magpapigil. Paano pag tumaba siya, mawawala ang macho niyang katawan, ang abs!

Putya Anikka, lumalandi na naman ang utak mo. Masyado mo nang pinagnanasaan ang abs ni Lukas. Maawa ka naman!

Psh!

Pagbalik sa ulirat ko ay napagtanto ko na tinitignan ako nila Nicole, yung tingin na nakakaloko. May mali ba sa akin, may tulo ba ang laway ko? Maya maya ay ngumuso si Nicole sa likuran ko

Tama ang hinala ko naroon n si Lukas na ngising-ngisi. Uhhh goosebumps!

Akala ko ba mamaya pa? bakit nandito na siya kaagad.

Maya-maya ay basta na lang ako hinila palabas, di man lang ako pinaalam? Ayos ah! Ayos!

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours