Login via

Respectfully Yours novel Chapter 40

Anikka

Nagising na lang ako na may maramdamang mabigat na nakapatong sa akin. Nagdilat ako ng mga mata I was him, peacefully sleeping.

Napatingin ako sa kanya mula sa nakapikit niyang mata hanggang sa mapupula niya labi.

Rumehistro agad sa isipan ko ang mga nangyari.

Sana ay hindi pa siya magising dahil nakakahiya itong ginagawa ko.

Napapikit ako at inaalala ang nga nangyari kagabi.

"Not until we're married baby."

Bumusangot ako sa kanya, nakakainis siya! I really want him now. Pero anong ginawa niya? Binitin niya ako.

I want him to continue, baka hindi ko na kayanin kapag hininto niya ito. Akmang hahalikan ko siya ng ipatong niya ang hintuturo niya sa bibig ko, tanda ng pagpigil niya sa akin.

"I won't take advantage of you baby."

Napangiti ako, wala man nangyari pero that night was really special, I should say best night ever. He just hugged me all night and he always saying how much he loves me.

He really loves me, wala ng akong duda doon. Patunay na doon na ginagalang niya ako bilang babae, he didn't took advantage of me, kahit alam kong gusto niya kagabi ay pinigilan niya ang sarili niya, kahit alam niya sa sarili niya na sasakit ang puson niya.

Higit sa lahat nagbago na siya, hindi na siya tulad ng dati, manyak, hindi marunong rumespeto sa tulad ko, napaka-ungentleman. Now he became my ideal man, ang marunong rumespeto.

Siya lang ang nagparamdam sa akin nito, I am loved by a man, ang sarap pala ng ganoon. Yung kikiligin ka dahil sa kanya.

I give him a smack kiss.

I really love this man! Napakaswerte ko sa kanya. Thanks to that contract, thanks to the two lolo's. Kung hindi dahil sa kanila, walang Lukas sa buhay ko ngayon ang lalaking mamahalin ko.

Nagulat ako ng bigla siyang nagmulat ng mga mata, bitbit ang malademonyong ngisi. Anong ibig sabihin nun? Alam niya ang ginawa ko? Eee nakakahiya!

"Sabi ko na nga eh, pinagnanasaan mo ko." Aniya

Nagsiakyatan ang mga dugo ko sa mukha. Grabe nakakahiya! Alam nga niya! Siguro nagtutulog-tulugan ang hinayupak na ito.Mukha tuloy akong patay na patay sa kanya.

Well, hindi ba totoo Anikka?

"You can kiss me even I am awake, hindi mo na kailangan gawin iyon habang natutulog ako."

Mas lalong nag-init ang aking mga pisngi, Nakakahiya talaga. Gusto kong magpalamon sa lupa para mawala sa harapan niya. Gusto kong magtatatakbo palayo sa kanya, pero paano ko iyon magagawa kung mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin, tila ayaw akong pakawalan.

"Lukas, gagawa lang ako ng breakfast." Sabi ko para makatakas sa kanya.

"We'll have our breakfast here." Aniya sabay idinukdok niya ang mukha niya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kuryente sa sistema ko ng hinahalikan niya ito.

No! Huwag niyang sabihin na matutuloy ang naudlot kagabi.

Akala ko ba he won't take advantage of me? Pero ano itong ginagawa niya. Manyak mode na naman siya.

"We'll have our breakfast in bed honey. I am the one who will make that." Aniya sabay bangon sa higaan, lihim akong nagpasalamat sa kataas-taasan at nakahinga ng maluwag dahil walang nangyari.

Nagulat ako nang bigla siyang napahagalpak ng tawa. Anong tinatawa tawa niya diyan? May mali ba sa akin?

Napadako ako ng tingin sa salamin na katapat ko.

Oh my! I was red. Very red. Para akong kamatis sa pamumula. Kung mas nakakahiya yung kanina mas nakakahiya ngayon. I was so red, masyado ng nahalata na malaki ang epekto niya sa akin. Magtatalukbong sana ako kaso pinigilan niya ako.

"I love to see you blushing because of me baby." Aniya sabay halik sa noo ko, hindi na ako nakatutol. Tsk! Gusto mo rin naman iyan.

"I love you baby ko." Sabay halik niya sa akin. Eww, may baby ko pa siyang nalalaman, ang corny. Hindi ba pwedeng baby na lang.

Maya maya ay bigla na siyang nawala sa harapan ko.

Bumangon na ako sa pagkakahiga. Gusto ko siyang sundan sa kitchen. Pagbaba ko ay may narinig akong boses.

"If I could, then I would

I'll go wherever you will go

Way up high or down low

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours