ANO BA ‘tong ginagawa ko? Naisaloob ni Dean habang pinagmamasdan ang nakapikit na si Selena. She was kissing him back with tears in her eyes. Dapat ay pakawalan niya na ang dalaga kaysa tuksuhin pa ito, kaysa udyukan pa itong makagawa ng kasalanan sa kapatid niya.

Dahil bago pa man dumating si Dean sa buhay ni Selena ay nakaplano na itong ikasal sa kapatid niya. Hindi man ang dalaga at si Adam ang mismong may plano niyon ay nakasisiguro siya na matutuloy pa rin iyon dahil halos kilala niya na rin ang mga magulang ni Selena lalo na ang ama nito. Alam niyang igigiit ng huli ang gusto para lang maprotektahan ang kompanyang minana nito at para mas palakasin pa ang kapangyarihan at mga koneksyon ng mga ito. Kung kay Adam maikakasal si Selena ay masisigurong mapapanatili ang estado sa lipunan ng bawat miyembro sa pagitan ng dalawang maimpluwensiyang pamilya.

Ipilit man ni Dean ang gusto niya ay sino lang ba siya? Isa lang siyang ampon sa paningin ng lahat. Dapat ay nadala na siya sa nangyari sa mga magulang niya. Pero heto siya ngayon. Dapat ay inihatid niya na lang ang dalaga sa townhouse nito pagkatapos ay lumayo na ng husto rito. Pero hindi niya mapilit ang sarili na gawin iyon. Lalo na ang puso niya na sa dinami-rami ng pagkakataon ay para bang ngayon pa napiling magrebelde.

Dahil missed na missed na ni Dean si Selena. Mabilis niyang nakasanayan ang pagtawag rito noong magkaibigan pa sila. Ang pagtawag rito tuwing umaga para marinig ang malambing na boses nito ang isa sa mga bagay na inaabangan niya. Iyon ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon para sa buong araw. At ang pagtawag rito sa gabi ang siya namang nag-aalis sa maghapong pagod niya.

But then the kiss happened and he couldn’t force his self to call her again, kahit gaano niya pa gustuhin. Dahil ayaw niyang mailang sa kanya ang dalaga. Pero aaminin niyang siya man ay sandaling na-distract sa ginawang paghalik kay Selena. Nagawa niyong ipalimot sa kanya ang pangarap na pagtakas sa lahat ng iyon.

Dahil sa halik na iyon, mali man ay inasam ni Dean na manatili na lang sa kung saan malapit ang dalaga. Nang tumugon ito sa halik niya, ipinaramdam nito sa kanya na kahit paano ay patas pa rin ang mundo sa isang tulad niya.

And now that she was kissing him back again, he felt like she was making things right for him again. At alam niyang sa pagkakataong ito ay lalong magiging imposible na malimutan niya ang dalaga lalo na ang halik na iyon. Hindi si Selena ang unang halik ni Dean. May mga nauna na rito. But kissing her makes him feel like it was the first time he ever kissed someone. Ang mga malalambot at matatamis na labi nito, ang mahinang pag-ungol nito, ang lahat-lahat ng tungkol rito ay para bang may taglay na mahika na tumatagos sa kanyang puso.

Mabuti na lang at siya ang kasama ni Selena ngayon. Dahil sa gabing iyon, sa kauna-unahang pagkakataon ay gusto niyang iparamdam sa dalaga ang presensiya niya hindi bilang isang kaibigan kundi bilang isang lalaki na nagmamahal rito. Gusto niyang iparamdam rito na hindi lang si

lumaban. Gusto niya nang manindigan para sa pag-ibig, para sa kasiyahan na matagal na panahon niya na ring ipinagkakait

niyang dito mismo manggaling kung titigil na ba siya o hindi. Ipapaubaya niya rito ang desisyon. Kung sasabihin nitong sumuko

que sinunod mo ang sinasabi ng isip mo, tama na ang magiging desisyon mo. Bakit ako? I followed my mind and I tried to avoid you.” Halos pabulong na

“Ano’ng ibig

“Selena, noon pa, mahal na kita. Mahal na mahal kita. Iyon

GUY is in love with you,

that can’t happen!” Ani Selena nang makabawi sa pagkabigla. “Ikakasal na ako sa kapatid niya. At alam mong mahirap sumuway sa mga magulang ko, Chynna. Lalo na kay daddy. Minsan na akong pinagbigyan ni daddy sa career na pinili ko. Pero pagdating sa relasyon namin ni Adam, gustuhin ko mang sumuko, alam kong hindi ko na siya madaling

mo sa akin. You should have told me instead that you don’t love Dean. Period. Pero imbes na iyon ay nag-alala ka na kaagad tungkol sa posibleng pagsuway mo sa mga magulang mo.” Inabot ni Chynna ang palad ni Selena. Magiliw itong ngumiti. “Kung tatanungin ba kita uli ngayon kung sino ang mahal mo at sasabihin ko sa ‘yo

si Dean ay ang mga salitang iyon ni Chynna ang paulit-ulit na naglalaro sa isipan

This is exclusive content from Dramanovels.com. Please visit Dramanovels.com to support the author and the translation team!

Comments ()

0/255