HALOS mayanig si Diana sa lakas ng naging pagsampal sa kanya ni Margie nang parang galit na galit na sugurin siya nito sa classroom bago pa man magsimula ang klase. Buong buhay niya, wala pang gumawa niyon sa kanya.

Gulat na napatitig siya kay Margie.

"Slut! Matagal na akong nagtitiis sa 'yo dahil anak ka ng business partner ni Daddy. Pero hindi ko na 'to mapapalampas, Diana. Ano'ng pinakain mo kay Alexis, huh? You're the reason why he kept avoiding me! I saw him, first, Diana. You know that! Alam mong akin na siya pero sinulot mo pa rin! Mang-aagaw ka!" Akmang sasampalin siya uli ni Margie nang saluhin ni Alexis ang kamay nito na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.

He gritted his teeth. "Nasa loob ka ng eskwelahan, Margie. Pero bakit parati kang umaaktong parang walang pinag-aralan?" Sandaling nilingon ni Alexis si Diana. "Ganito ba talaga rito, Diana? First, there's this Kurt guy claiming that you're his. And now, this woman here. This is getting really annoying. Masyadong mapag-angkin ang mga tao rito."

Bumalik ang mga mata ni Alexis kay Margie. Nagdidilim ang anyong diniinan nito ang palad ng babae bago binitiwan. "Walang inaagaw si Diana sa 'yo dahil kahit kailan, hindi ako naging sa 'yo. Ang akala ko, nalinaw ko na 'yan sa 'yo kagabing nagkita tayo. It sucks because I need to tell you this again today. And here I thought you were smart."

Napaatras si Margie nang humakbang ang binata palapit rito. "Don't mess with me, Margie. Alam mo kung gaano ako kagago. Anuman ang gawin ko, wala nang mawawala sa 'kin. Wala nang masisira pa sa akin. Sa 'yo, mero'n. Marami. Lay a finger on Diana again and I swear I will break you. Don't tempt me."

Bumuka ang bibig ni Margie pero mukhang sa huling sandali, nagdalawang-isip itong magsalita. Namumutlang tumalikod na lang ito at nagtatakbo palayo sa kanila habang nagpalakpakan naman ang mga nangangantiyaw na kaklase niyang nakapalibot na sa kanila ng binata nang mga oras na iyon.

Hinarap uli ni Alexis si Diana. Nag-aalalang hinawakan nito ang kanyang mga pisngi. "I'm sorry." Rumehistro ang pagsisisi sa gwapong anyo nito. "Ilang beses na akong kinukulit ni Margie. Kagabi, sinundan niya ako hanggang sa bahay namin. Tinapat ko na siya. Akala ko nagkaintindihan na kami. Hindi ko naman alam na may pagka-slow pala 'yon. I never thought this would happen."

Hindi siya nakapagsalita. Buong suyong hinalikan siya ng binata sa noo bago siya niyakap. "I will never let anyone hurt you again, Diana. Ipinapangako ko 'yan sa 'yo."

ang natitirang laman ng bote ng alak at sinaid iyon. "You're the one who's hurting me

doon mula nang maging magkaibigan sila ni Alexis mahigit kalahating taon na ang nakararaan. Labas-masok na sila sa kwarto ng isa't isa kaya sanay na sa kanya si Manang Renata pati na ang mga kasambahay sa mansiyon

puntahan si Alexis. Kung ano-anong palusot ang ginawa nito pero dahil mapilit siya, nakagawa siya ng paraan para puntahan pa rin ang kaibigan. Nang makita niya ang binata, saka niya naunawaan ang pag-aalinlangan ni Manang Renata. Dahil may ibang babae na kasama ang alaga nito

mamili ng isusuot niya dahil sa nalalapit na Valentine's party nila sa Academy. Ang

nang maging kaibigan niya ito, hindi na siya nakasakay sa sarili niyang kotse. Hindi pa sila nagkatampuhan. Masayang kasama si Alexis. Kadalasan,

ng binata sa iba't ibang mga regalong natatanggap niya rito mula sa mga nakatanim pa sa pasong bulaklak, tsokolate, stuff toys at mga pangdekorasyon sa hardin na pinakapaborito niya. May mga pagkakataon pang tinutulungan si

almost everything. Alam na nito ang kwento ng buhay niya. Kusa niya iyong sinabi rito kung paanong alam niya na rin ang nangyari rito kahit pa una niya iyong natuklasan

as possible, I don't want you to be friends with that Serrano guy, Diana." Naalala niyang sinabi pa ng kanyang ama nang unang beses na ipakilala niya

Alexis tungkol sa mga magulang nito na ipinagtataka niya. Alam niyang ang mga iyon ang dahilan ng

business world works, sweetheart. You have to be familiar with the giants' weakest links. Mas marami kang nalalaman, mas marami kang magiging bala na lahat, magagamit mo sa tamang panahon. Ang ama ni Alexis ay si Senator Alexander Guevarra. He's one spineless man. And Alexis was his

ang mga mata

ayokong maugnay ka sa mga ganoong

kahit na nalilito sa mga narinig. "Ano ngayon kung gano'n mang klaseng pamilya ang kinabibilangan niya? Hindi niya 'yon kasalanan. Whatever you say won't stop me from being his best friend. Lalo na ngayong nalaman

aware of what you look like right now, Diana?" Sa

"What?"

This is exclusive content from Dramanovels.com. Please visit Dramanovels.com to support the author and the translation team!

Comments ()

0/255